Bakit ganon? Sinabi niya na mag hihintay siya pero hindi niya nakayanan mag antay.
Bakit ganon? Kung kelan ready ka na, dun naman siya naging masaya sa piling ng iba?
Bakit may one sided love?
Ang hirap ata nang ganto. Tinitake for granted mo ang isang tao tapos sa huli, ikaw rin ang magsisisi kung kelan na-realize mo na mahal mo na pala siya. Pinagsisisihan mo na sana hindi mo siya pinakawalan kung kelan andun pa siya. Pero, nangyari na ang nangyari, may bago na siya, ikaw nag dudusa, nakikita silang dalawa magkasama na masaya. Ang sakit diba?
Bakit kaya existing ang gantong feeling? Bakit kaya nag e-exist ang one sided love kung hindi naman kayang i-return ang feelings ng taong mahal mo sayo? Siguro para matuto ka rin masaktan at makapag realize na kailangan mo nang tumigil para makahanap na ng iba. Siguro para ma-realize mo na hindi mo na-appreciate yung taong nag mahal sayo dati kaya ngayon nagsisisi ka.
Naranasan mo na mag mahal ng one sided love?
No comments:
Post a Comment